Suring Basa
I.        Pamagat: Awa sa Pag-ibig
II.        Pinasa ni: Hannah M. Conde BEED-2
III.        Akda ni: Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw)
IV.        Talumbuhay ng Manunulat ng akda:

Jose Dela Cruz/ Huseng Sisiw
Ang pangalang ito ay bago sa mga batang pandinig, nguni’t sa mga mawilihin sa Tulang Tagalog ay isang Talang napakaliwanag. Siya’y naging Guro ng ating Balagtas sa pagtula at lahat halos ng mga binatang kanyang kapanahon ay pawang lumuhog sa kanya na itula ng mga panambitan, liham, lowa, at mga palabas dulaan na totoong hinangaan at pinapurihan ng kanyang mga kapanahon.
Si Jose Cruz ay tubo sa makasaysayang bayan ng Tundo at anang marami ay siya ang talagang ipinanganak na Makata. Nilang siya sa maliwanag niyaong taong 1778.
Tinawag siyang si Huseng Sisiw, sa pagka’t siyá ay mahiliging kumain ng sisiw, kailan ma’y aayaw siya ng inahin o tandang; maging sa mga gulayin may nasa niya ang lalong mura o wala pa sa panahon, kung makaisip siyang kumain ng inihaw na baboy ay ang kaniyang pinipili ay ang pasusuhin pa halos. At sa pagka’t ito ang kanyang himaling lahat halos ng kanyang mga kaibigan na nagkakautang ng loob sa kanyang magpasulat, ay dinadalhan siya ng sisiw na lalong pinakamataba. At sa pamagat na Huseng Sisiw siya nakilala ng lahat ng kanyang mga kapanahon.
Siya ay nakadidikta sa limang tagasulat kung siya’y nagmamadali; gaya halimbawa ng kung may nagpapagawa sa kanya ng ano mang katibayan, paanyaya, sulat sa pangingibig at tula sa karangalan ni gayon at ni ganito. Pinauupo niyang sabay ang mga tagasulat at sabay na dinidiktahan ng kanikaniya, ano pat nakatatapos na lahat na sabay at walang panaghilian.
V.        Tema o Paksa ng Akda:
Ang tema ay tungkol sa pag ma-makaawa niya sa pag-ibig.
VI.        Tula:
AWA SA PAG-IBIG

Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.

Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!

Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.
Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.


VII.        Buod:
Ito ay tungkol sa buhay na kaawa-awa na kahit ano man ang gawin ay hindi man lang makamit ang tagumpay na ninais-nais. Sa gayun man ay makamit niya ang kanyang ka ginhawaan na inaasam-asam. Nagtataka kung bakit siya sa kanyang mga ginawang mabuti hindi man lamang masuklian ng awa sa langit. Siya ay umasa na kahit saglit ay mapansin at hindi paasahin. Nag mamakaawa sa langit na maibigay ang kaginhawaang nais. Ano ba ang kanyang na gawa kung bakit anong ganti ang kanyang nararanasan na ganti sa langit.
VIII.        Batayang aklat: Internet
IX.        Layunin ng akda:
 Ang layunin ng akdang ito ay upang mabatid ng mambabasa ang kanyang buhay. Kaya niyang mag makaawa upang mabatid lamang ang kanyang pag mamahal.
X.        Pagsusuri
                A. Uri ng Pampanitikan:
   Ito ay isang tula na sapagkat ito'y ipinararating sa ating damdamin
                B.  Mga tayutay:
1.    Ang awa ng langit at awa mo naman.
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
v Ito ay pagmamalabis dahil ito ay nagpapahayag na lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o mga pangyayari.


                C. Sarling reaksyon:
              1)   Pananalig Pampanitikan/ Teorya
        Ang teorya ng tula ay Sikolohikal sapagkat ito ay nakatuon kung anong antas ng buhay, ano ang kanyang paninindigan t pinaniniwalaan , ano ang kayang mga pinahahalagahan at kung ano ang ma ideyang tumatakbo sa kanyang isipan at kamalayan.
2)  Mga Pansin at Puna:
a.   Mga Tauhan
Ang persona ng tula at ang langit.
b.   Galaw ng Pangyayari:
   Malungkot at puno ng pasakit ang naramdaman ng persona ng tula.
3)  Bisa ng Pampanitikan:
a)   Bisa sa isip:
     Ako’y napaisip kung anong klaseng pasakit ang kanyang nararamdaman sa kanyang pag-aasam ng awa sa pag-ibig.
b)  Bisa sa Damdamin:
      Ako’y humanga sa kanyang katatagan at sa kanyang hindi pagsuko.
c)   Bisa sa Kaasalan:
       Ako’y nagkaroon ng pag-asa na mas lalong tatagan ang aking loob.
d)  Bisa sa lipunan:
      Mabubuksan ng tulang ito ang isipan ng bawat isa na lakasan ang loob at huwag mawawalan ng pag-asa kahit ano man ang pagsubok ang mararanasan..


Comments