Posts

Suring Basa I.         Pamagat: Awa sa Pag-ibig II.         Pinasa ni: Hannah M. Conde BEED-2 III.         Akda ni: Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw) IV.         Talumbuhay ng Manunulat ng akda: Jose Dela Cruz/ Huseng Sisiw Ang pangalang ito ay bago sa mga batang pandinig, nguni’t sa mga mawilihin sa Tulang Tagalog ay isang Talang napakaliwanag. Siya’y naging Guro ng ating Balagtas sa pagtula at lahat halos ng mga binatang kanyang kapanahon ay pawang lumuhog sa kanya na itula ng mga panambitan, liham, lowa, at mga palabas dulaan na totoong hinangaan at pinapurihan ng kanyang mga kapanahon. Si Jose Cruz ay tubo sa makasaysayang bayan ng Tundo at anang marami ay siya ang talagang ipinanganak na Makata. Nilang siya sa maliwanag niyaong taong 1778. Tinawag siyang si Huseng Sisiw, sa pagka’t siyá ay mahiliging kumain ng sisiw, kailan ma’y ...